Ang Limang Kalayaan ay Binalewala:

Century Pacific Food

Nalantad ang kalupitanarrow down

This photo is representative of the standard industrial farming practices permitted in the company’s supply chain.
Photo: Stefano Belacchi / Animal Welfare Observatory / We Animals
white vector black vector
Batid ni Christopher Po

Pero Pinipili Pa Ring Balewalain.

Si Christopher Po ang CEO ng Century Pacific Food, isa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa pandaigdigang industriya ng pagkain. Kaakibat ng kapangyarihang iyan ang isang mabigat na responsibilidad — hindi lamang sa mga shareholders, kundi sa lahat ng mga buhay na nilalang na araw-araw ay naghihirap upang patuloy na gumana ang supply chain ng Century Pacific Food.

At alam ito ni Christopher Po.

Alam niyang ang mga hayop sa supply chain ng Century Pacific Food ay ikinukulong sa napakasisikip na hawla, sinasaktan o nilulunasan nang walang anumang pampamanhid, at kadalasang pinababayaang mamatay sa mabagal at masakit na paraan — lahat ng ito para lamang makatipid ng ilang sentimo sa bawat pagkain.Alam niyang ang ganitong uri ng kalupitan, na hindi na katanggap-tanggap sa maraming bahagi ng mundo, ay patuloy pa ring ginagawa sa mga lugar kung saan mahina ang regulasyon at madaling balewalain ang mga hinaing.Alam niyang marami sa mga kakompetensiya ng kumpanya ay umusad na, iniwan ang Century Pacific Food na mahigpit pa ring kumakapit sa mga gawi at sistemang hindi na tinatanggap ng publiko.

Ngunit hindi ang kaalaman ang problema.
Ang pagpili na huwag kumilos.

Habang sinasabi ng Century Pacific Food na sila’y may malasakit sa kapakanan ng mga hayop, iba naman ang sinasabi ng kanilang pananahimik at kawalan ng aksyon. Ang Five Freedoms — ang mga batayang karapatang nararapat para sa bawat hayop — ay patuloy na ipinagkakait sa milyun-milyong hayop na bahagi ng supply chain ng Century Pacific Food.

Mahalaga ang pasyang gagawin ni Christopher Po.

Isang desisyon lang mula sa isang lider ang maaaring wakasan ang ilan sa pinakamatitinding anyo ng pagdurusa sa industriya ng pagsasaka — pagdurusang matagal nang naitala, kinondena, at paulit-ulit nang tinutulan.Ngunit sa halip na pagkilos, puro walang lamang pahayag ang natatanggap natin. Sa halip na pagbabago, puro pagpapaliban. At sa halip na pamumuno, ang meron ay pakikiayon sa kalupitan.

Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto.
Ito ay tungkol sa pagiging makatao.
At ang pagiging makatao ay isang pagpili.

Panahon na para piliin ni Christopher Po ang tama.

Ito ang mga gumagawa ng desisyon
hinahayaang magpatuloy ang kalupitan na ito
Christopher T. Po
Executive Chairman
Gregory Francis H. Banzon
EVP & COO
Richard Kristofer S. Manapat
CFO, CRO, CIO
white vector black vector
Century Pacific Food'sITLOG

Sa likod ng mga itlog mula sa mga brand ng Century Pacific Foods, tulad ng Shakey’s Pizza Parlor at Peri-Peri’s Chicken, ay isang madilim na realidad ng paghihirap.

Ang mga inahing manok ay nakakulong sa masisikip na hawla, na hindi nila kayang ibuka ang kanilang mga pakpak, lumingon, o gawin ang mga natural nilang galaw. Tinatrato silang parang mga makina na pang-itlog, tinitiis ang habambuhay na pagdurusa sa pagtayo sa matutulis na sahig na kable, na nagdudulot ng sakit at pinsala sa kanilang mga paa at katawan. Dahil sa sobrang sikip, nagkakasakitan sila dahil sa stress at kawalan ng pag-asa.

Pati ang mga pinakapayak na pangangailangan ng buhay ay hindi naibibigay.

Wala silang pagkakataon na magtampisaw sa alikabok, mabuting lugar na pahingaan, o huminga ng sariwang hangin.

Sa halip, ang mga matatalino at mausisang hayop na ito ay nakakulong sa isang mundong walang anumang aliw o kasiyahan. Ang sobrang stress at siksikan sa mga hawla ay nagdudulot ng mga seryosong problema sa kalusugan, tulad ng mga butong marurupok at uterine prolapse mula sa walang katapusang pag-itlog. Marami sa kanila ang namamatay sa mga hawla, at ang kanilang mga katawan ay iniiiwan sa tabi ng mga buhay na manok hanggang sa tanggalin ng mga manggagawa.

Sa ganitong sistema, halos lahat ng Limang Kalayaan ay nilalabag: Hindi nabigyan ang mga inahing manok ng kalayaan mula sa hindi komportableng kondisyon, kalayaan mula sa sakit, pinsala, at karamdaman, kalayaan na gawin ang natural nilang galaw, at kalayaan mula sa takot at pagkabahala. Ngunit pinapayagan ng Century Pacific Foods na magpatuloy ang mga ganitong barbarikong gawi ng kanilang mga supplier.

black vector
Mga Implikasyon sa Kalusugan para sa mga customer
Ang kalupitang ito ay hindi lang tungkol sa kalagayan ng mga hayop—isa rin itong seryosong isyu sa kalusugan ng publiko. Ang mga itlog mula sa mga hawla ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng Salmonella, na maaaring magdulot ng malubhang sakit sa tao. Ayon sa maraming pag-aaral, mas mababa ang panganib ng kontaminasyon sa mga sistemang walang hawla, ngunit patuloy pa ring pinipili ng Century Pacific Foods ang mabilis na kita kaysa sa kaligtasan at tamang pagpapahalaga sa mga hayop.
May kakayahan ang Century Pacific Foods na wakasan ang paghihirap na ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng 100% cage-free egg na patakaran sa buong supply chain nito. Panahon na para kumilos ang Century Pacific Foods nang may responsibilidad at tiyakin na walang inahing manok sa kanilang supply chain ang kailangang magtiis sa kalupitan ng buhay sa hawla.
black vector
Century Pacific Food: IGALANG
ANG LIMANG KALAYAAN
black vector

Ang Century Pacific Food at may kapangyarihan at responsibilidad na itigil ang sobrang kalupitan sa mga supply chain nito. Ang publiko ay umaasa ng mas mas mabuting pamamalakad, at ang mga hayop ay nararapat na mamuhay ng walang labis at hindi nararapat na paghihirap.

Panahon na para sa Century Pacific Food na gawin ang ginagawa ng maraming nangungunang kompanya sa industriya ng pagkain na tinitiyak na mapatupad ang mga patakaran ng Limang Kalayaan para sa mga hayop sa kanilang supply chain.

Siguraduhin natin
ang LIMANG KALAYAAN
PARA SA MGA HAYOP